LOLONG SENIOR CITIZEN TINAGA NG RETIRADONG SUNDALO SA LABRADOR

75

LABRADOR, PANGASINAN – Sugat sa likurang bahagi ang natamo ng isang lolong matapos itong pagtatagain ng isang retiradong sundalo sa bayan ng Labrador.

Napag-alamang ang biktimang si Romualdo Carreon, 62-anyos at residente sa nabanggit na bayan samantalang kinilala naman ang suspek na si Warly Domingo 54-anyos at retiradong miyembro ng Philippine Army.


Sa pagsisiyasat ng Labrador PNP, kamag-anak umano ng suspek ang biktima at dating alitan ang naging bunsod ng pananaga at isa pa sa tinutumbok ng pulisyang motibo ay ang kasalukuyang away sa lupa.

Sa ngayon, nasa ospital ang biktima habang nasa kustodiya naman ng PNP ang nasabing suspek.

Facebook Comments