LOLONG NABANGGA NG BISIKLETA SA ALAMINOS CITY, PANGASINAN, PATAY

263

Nalagutan ng hininga ang 72-anyos na lolo matapos mabundol ng bisikleta sa Brgy Magsaysay, sa lungsod ng Alaminos.

Kinilala ito na si Bernardo Ibarra habang ang nakabundol na sakay ng mountain bike ay si John Carlo Reyes, 21 anyos.

Base sa imbestigasyon Alaminos City PNP, sakay ng kanyang bisikleta si Reyes at binabagtas ang kalsada patungong Lucap nang mawalan ito ng kontrol sa bisikleta at aksidenteng nabannga ang lolong naglalakad sa kalsada.

Dagdag pa ng pulisya, nabagok at natamaan ang bahaging likod ng ulo ng biktima dahilan ng pagkamatay nito.

Dinala pa ang matanda sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na nagawang maisalba ng doctor ang kanyang buhay.

Nagtamo naman ng minor injuries si Reyes matapos ang aksidente.



Samantala, nakapag desisyon na umano ang asawa ng biktima na huwag na itong kasuhan dahil bata pa ito at maraming masasayang sa kanya ngunit nang nakapag usap sila ng kanilang kaanak ay itutuloy na nila ang kaso.

Naipadala na ang kaso sa korte at hinihintay na lamang ang pinal na desisyon. | ifmnews


Facebook Comments