Lone Congressional District ng Cotabato City isinusulong

60

Nagkaisa ang mga konsehal sa lungsod sa pagsusulong ng Lone Congressional District ng Cotabato City.

Sa isinagawang lingguhang session kahapon ng 16th Sangguniang Panlungsod, naghain ng kanyang resolution o apela sa kongresista sa unang distrito ng Maguindanao with Cotabato City Representative Roonie Sinsuat si Councilor Japal Guiani III na mahiwalay na ang lungsod sa first district ng Maguindanao.


Inihayag pa ni Guiani, na noong pang 2015 ay qualified na ang siyudad na magkaroon ng sariling distrito dahil umabot na sa 300,000 ang population. Umaasa ang mga konsehal na lulusot sa kongreso ang separation.

Nauna na ring inihayag ni Congressman Sinsuat na suportado nito ang pagkakarooon ng hiwalay na distrito at representante ang Cotabato City sa kongreso.
CCTO PIC

Facebook Comments