Look: Enchanted Wedding Photo at Tinago Falls

1487
Courtesy Lorden Titular Fine Art Wedding Photography

Patok ngayon sa mga netizens ang mala-enchanted na kasal na ginanap sa isang natatangi at nakabibighaning lugar.

Ibinahagi ni Lorden Titular sa kanyang Facebook account ang majestic na kuha ng much-awaited wedding nina Andrew-Ji G. Paquera II at Renmar Pia O. Sangel sa Tinago Falls, Iligan City, Lanao del Norte.


Ayon kay Lorden, plinano ito maigi ng mag-asawa at prinoseso ng ilang buwan ang permit para payagan sila magpakasal sa Tinago Falls. Para sa kanya, isang malaking karangalan na siya ang mapili na photographer nina Andrew at Pia.

Sa Facebook post naman ng Dexter Dy Pico Wedding & Events, ito raw ang pinaka-challenging na kasal na ginawa nila sa loob ng sampung taon. Tinanggap nila ang proyekto ng walang pag-aalinlangan.

Taos-puso ang pasasalamat ng mag-asawang Pia at Andrew sa lahat ng tumulong na matupad ang kanilang dream wedding. 

Mayroon ng 3.2k likes at 1.5k shares ang nasabing post.

Facebook Comments

From Advertisers