Lorenzana, tiniyak na mapipirmahan ang bagong VFA bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

59

Tiwala si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dokumento sa pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Nabatid na ang VFA ay naka-‘floating status’ mula pa nitong Pebrero 2020.


Ayon kay Lorenzana, ang karagdagang dokumento ay kasama sa pagpapatupad ng mga probinsyon ng kasunduan.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ipawalang bisa ang VFA matapos ma-revoke ang visa ni dating police chief at ngayon ay Senator Ronald Dela Rosa.

Noong November 2020, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang abrogation ng VFA at nitong June 14, 2021 ay pinalawig muli ni Pangulong Duterte ng paninabong anim na buwan ang suspensyon.

Facebook Comments