Los Angeles Lakers, isang panalo na lang para makarating sa NBA Finals

63

Isang panalo na lang ang kakailanganin ng Los Angeles Lakers para muling makatungtong sa NBA Finals na huli nilang naranasan noong 2010 season.

Tinalo ng Lakers ang Nuggets sa Game 4 ng Western Conference Finals sa score na 114-108.

Nanguna sa panalo ng Lakers sina Anthony Davis na may 34-points at Lebron James na may 26-points.

Sisikapin naman ng Los Angeles Lakers na tapusin na ang serye kontra Denver Nuggets sa Game 5 sa darating na Linggo (September 27, 2020), na mapapanood ng alas-9:00 ng umaga (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments