Los Angeles Lakers, nakuha ang unang panalo kontra Denver Nuggets sa Western Conference finals sa NBA

46

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang unang panalo kontra Denver Nuggets sa kanilang naging laban sa Western Conference finals ng NBA.

Nanguna sa panalo si Anthony Davis na may 37–points kung saan nag-ambag din ng 15-points at 12-assists si Lebron James.

Hindi naman umubra ang tig-21 points nina Nikola Jokic at Jamal Murray ng Denver Nuggets pero plano nilang bumawi sa game 2 lalo na’t Best-of-Seven ang kanilang serye kontra Lakers.

Mapapanood naman bukas ang game-3 sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics kung saan nakaka-dalawang panalo na ang Heat.

Facebook Comments