Los Angeles Lakers, pinaiimbestigahan ng Indiana Pacers sa naging plano nito sa pagkuha sa dati nilang player na si Paul George

Sports – Iniimbestigahan na ngayon ng NBA ang naging akusasyon ng Indiana Pacers hinggil sa plano ng Los Angeles Lakers na kunin ang player na si Paul George.
Nabatid kasi na mayroon pang isang taong kontrata si George sa Pacers nang malaman ng management na nais nitong magpa-trade kung saan kanila itong ipinamigay sa Oklahoma City Thunder.
Pero, ang nasabing hakbang ni George ay isa lamang daw paraan para makuha siya ng Lakers pero naudlot ito nang ilipat siya sa Thunder.
Sa ilalim kasi ng NBA rules, hindi maaaring makuha ang player habang nasa ilalim pa ito ng kontrata ng ibang team kung kaya’t dahil dito, nanawagan ang Indiana na imbestigahan ang nasabing hakbang ng Lakers.

Facebook Comments