Los Angeles Lakers point guard Rajon Rondo, hindi makakapag-laro sa pagbabalik ng NBA season

34

Posibleng hindi makapaglaro sa pagbabalik season ng National Basketball Association (NBA) sa July 30, 2020 si Los Angeles Lakers point guard Rajon Rondo.

Ito ay matapos magtamo ng injury sa kaniyang kanang hinlalaki mula sa kanilang ensayo noong linggo sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida.


Kailangang sumailalim ng Lakers point guard sa surgery at magpahinga ng anim hanggang walong linggo para bumalik sa ayos ang kaniyang kamay.

Si Rondo ay may average score na 7.1 points, 5.0 rebounds at 3.0 assists bawat laro, at kadalasang back-up point guard ni Lebron James.

Facebook Comments