Los Angeles Lakers, wagi sa dikitang laban sa game 2 ng West Finals kontra Denver Nuggets

45
COURTESY: BLEACHER REPORT

Nasungkit ng Los Angles Lakers ang ikalawa nitong sunod na panalo sa Western Conference Finals kontra Denver Nuggets.

Sa iskor na 105-103, hindi pinagbigyan ng Lakers ang target ng Nuggets na maitabla ang serye matapos na magpakawala ng game-winning 3-pointer si Anthony Davis sa huling 2.1 seconds ng laro.

Tumabo ng 31 points at 9 assists si Davis habang nag-ambag ng 26 points, 11 rebounds si Lebron James.

Nanguna naman sa kampanya ng Nuggets si Nikola Jokic na may 30 points.

Muling maghaharap sa game 3 ang dalawang koponan sa Miyerkules, September 23, 2020.

Facebook Comments