Los Angeles Lakers, wagi sa game 4 ng NBA Finals kontra Miami Heat

48

Lamang pa rin sa kanilang best-of-seven series sa NBA Finals ang Los Angeles Lakers kontra Miami Heat.

Ito ay matapos na masungkit ng Lakers ang panalo sa game 4, 102-96, sa pangunguna ni Lebron James na nakapagtala ng 28 points, 8 assists at 12 rebounds.

Hindi naman sumapat ang 22 puntos ni Jimmy Butler para sa Miami Heat.

Dahil dito, hawak na ng Lakers ang 3-1 lead at isang panalo na lang ang kailangan ng koponan para tuluyang maselyuhan ang NBA Finals.

Facebook Comments