Los Angeles Lakers, wala pa ring talo sa nagpapatuloy na season ng NBA

45

Tuloy ang pamamayagpag ng Los Angeles Lakers matapos nitong talunin ang Milwaukee Bucks.

Nakapagtala ng season-high 34 points si LeBron James upang akayin ang Lakers tungo sa 113-106 panalo kontra Bucks.


Tumulong din sa panalo si Kentavious Caldwell-Pope nang magpamalas ng 23-point performance tampok ang pitong 3-pointers.

Sa panig naman ng Bucks, tumira ng 25 points at 12 rebounds si Giannis Antetokounmpo, na dinagdagan ni Jrue Holiday ng 22 points, at Khris Middleton ng 20.

Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Milwaukee.

Facebook Comments