LOVE WINS | Sam Milby, nagulat sa ginawang pag-amin ni Mari Jasmine

147

Manila, Philippines – Ikinagulat daw ng singer/aktor na si Sam Milby ang ginawang pag-amin ng kanyang dating girlfriend na si Mari Jasmine na mayroon siyang karanasan sa pagmamahal sa lalaki at kapwa-babae.

Ayon kay Sam, wala siyang nakitang mga senyales na magkakaganito si Mari noong magkarelasyon pa sila at masaya naman daw ito sa kaniyang piling.

Hindi din alam ni Sam kung bakit nagkaganito si Mari pero nirerespeto daw niya ang naging pag-amin nito at bilib siya sa lakas ng loob nito.

Matatandaan na buong tapang na inihayag ni Mari na karelasyon niya ngayon si Samantha Lee na isang direktor ng indie movies.

Facebook Comments