Lovelife ni Sunshine Cruz, suportado ng mga anak

78

Suportado ng mga anak ni Sunshine Cruz ang relasyon nito sa nobyong si
Macky Mathay.

Sa isang panayam, inamin ng panganay na anak ni Sunshine na si Angelina
Cruz na naging malapit na silang magkakapatid kay Macky.

Dagdag pa ni Angelina, masaya sila sa bagong kasintahan ng ina dahil
nakikita nilang masaya rin ang kanilang ina sa piling nito.

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon, nang unang magkakilala ang mga
anak ni Sunshine at si Macky, dalawang Linggo matapos nilang aminin sa
publiko ang kanilang relasyon

Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara Mina na isa sa malapit na
kaibigan ni Sunshine.

 

Facebook Comments