Lovi Poe at isang British film producer, magkarelasyon daw?

100

Usap-usapan ngayon ang umano’y relasyon ng aktres na si Lovi Poe at British film producer na si Montgomery Blentcowe.

Ito ay matapos i-post ng aktres ang litrato nito kasama ang film producer sa Royal Ascot, isang prestihiyosong annual horse-racing event sa Ascot, Berkshire, England.


Nilagyan pa ito ni Lovi ng caption na “my hat date to the races” at tinag ito kay Montgomery Blencowe.

Si Blencowe ay Executive Producer ng American films tulad ng Escape Plan 2: Hades (2018) at Marauders (2016).

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama ang dalawa dahil ilang beses na rin silang nakuhaan ng larawan sa US.

Facebook Comments

From Advertisers