LPA na nasa loob ng PAR, patuloy na binabantayan

62

Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 450 kilometero silangang bahagi ng Apari, Cagayan.


Inaasahang magiging bagyo ito sa susunod na 24 oras at tatawaging “Dodong” na pang-apat na bagyo sa bansa.

Samantala, mararanasan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa bahagi ng  Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zambales at Bataan dahil sa epekto ng habagat.

Habang localized thunderstorm naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments

From Advertisers