LPG, may bigtime rollback ngayong Araw ng Paggawa

39

Magpapatupad ng big-time rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kompanya ng langis ngayong araw, Mayo 1.

Magbabawas ang Petron ng P3.20 sa kada kilo ng kanilang LPG habang may tapyas na P1.80 kada sa litro ng Auto LPG.

Nasa P2.84 kada kilo naman ang bawas-presyo ng Solane sa LPG.


May rollback din ang Phoenix Petroleum Philippines sa LPG ng hanggang P3.20 kada kilo at P1.80 kada litro sa Auto LPG.

Facebook Comments