LRT-2 east extension, 92% nang tapos – DOTr

24

Nasa 92.14% nang tapos ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) East Extension Project.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang dalawang bagong istasyon: ang Emerald Station sa Marikina City at ang Masinag Station sa Antipolo City ay inaasahang magiging fully operational sa April 2021.

Ang East Extension Project ay four-kilometer extension mula sa kasalukuyang 13.8-kilometer LRT-2 line na tumatakbo mula Recto Avenue sa Maynila patungong Santolan Station sa Marikina City.

Kapag natapos ang proyekto, ang biyahe mula Recto patungong Masinag ay bababa na lamang sa 40 minuto mula sa kasalukuyang tatlong oras kapag sasakay ng bus o jeepney.

Nasa 80,000 pasahero kada araw ang makikinabang sa mga bagong istasyon, dagdag sa 240,000 daily ridership ng LRT-2 bago ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments