LRT-2, may libreng sakay bukas kasabay ng Independence Day

26

Muling magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority Line 2 (LRT-2) bukas kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa LRT management, simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga bukas ang libreng sakay na kanilang ibibigay.


Pagdating ng hapon ay muling magpapatupad ng libreng sakay ang LRT Line 2 simula naman alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Samantala, nag-abiso na rin ang pamunuan ng LRT-2 na simula bukas, June 12, 2021, hanggang June 22, 2021, ay magbabawas sila ng biyahe sa ilang mga istasyon nito bilang paghahanda sa pagbubukas ng Marikina at Antipolo Stations.

Dahil dito, ang magiging biyahe na lang muna ng mga tren ng LRT-2 ay mula sa Araneta Center-Cubao Stations hanggang Recto Station sa Maynila at pabalik.

Wala munang biyahe ang LRT-2 mula Araneta Center-Cubao Station hanggang Santolan Station at pabalik.



Facebook Comments