LRT at MRT, magsasagawa ng maintenance shutdown sa Holy Week

18

Magsasagawa ng tigil operasyon ang tatlong train system sa Metro Manila sa Semana Santa.

Suspendido ang operasyon ng LRT Line 1 at 2 mula April 18 hanggang April 21.

Habang magpapatupad ang LRT-2 ng shortened operation sa Miyerkules Santo, April 17.

Ang huling biyahe ng tren ng LRT-2 mula Santolan ay alas 7:00 ng gabi at 7:30 ng gabi naman ang huling biyahe ng tren galing Recto.

Magkakaroon naman ng general maintenance shutdown ang MRT-3 mula April 15 hanggang April 21.

Magbabalik ang operasyon ng tatlong train system sa April 22, araw ng Lunes.

Facebook Comments