LRT, nagbigay ng bagong twist sa kanilang pakulo ngayong Valentine’s Day

52

Inilunsad ngayon ng Light Rail Manila Corporation ang Love Train, isang twist sa mga pakulo nito ngayong selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

Bawat taon, binibigyan ng LRMC ng natatanging experience ang mga commuters sa pamamagitan ng paglikha ng takaw paningin na palamuti sa tatlong nitong light rail vehicle.


Ngayong February 14 binihisan nila ng mga valentines cards, mga valentines quotes at mga bulaklak ang loob ng love train.

Naglaan din ng espasyo sa loob ng tren kung saan maaring makapagsulat ng sariling notes at special valentine greetings.

Bukod sa love train, hinarana din ang mga commuters ng isang grupo sa ilalim organisasyon ng Pilipinong mang-aawit.

Ang Railway jam ay tatakbo sa loob ng anim na buwan tuwing biyernes, sabado at linggo mula 4pm hanggang 6pm.

Facebook Comments

From Advertisers