LRTA, inanunsyo ang bagong schedule ng libreng sakay ng mga estudyante sa LRT Line 2

17

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang bagong schedule ng libreng sakay sa mga estudyante sa LRT Line 2.

Ito’y kasunod ng bagong operating hours bunsod ng nangyaring pagkasunog ng power rectifiers noong October 3, na nagsuspinde ng operasyon ng Santolan, Katipunan, at Anonas Station.


Sa statement, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay sa mga estudyante ay available lamang mula alas-3:00 hanggang alas-4:00 ng hapon, Lune hanggang Biyernes.

Sa ngayon ang partial operations ng LRT-2 ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Facebook Comments

From Advertisers