Lt Col Jovie Espenido pinayuhan ni Senador Ronald Dela Rosa na tumigil na sa pagsasalita patungkol sa pagkakasama nya sa drug list

54

Mas makabubuting manahimik na lamang si Lieutenant Colonel Jovie Espenido kaugnay sa pagkakasama nito sa drug list.

Payo ito ni Senator Ronald Dela Rosa sa ambush interview sa Camp Crame kung saan dumalo ang senador bilang guest of honor and speaker sa Anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.


Sa pahayag ni Espenido sinabi nitong inaasahan nya nang ang maaring pumatay sa kanya sa mga panahong ito ay taga gobyerno o pulis.

Ayon kay Senator Dela Rosa, kung ganito ang pagiisip ni Espenido mas mabuting manahimik na lamang ito.

Aniya sinisira lamang nito ang kanyang sarili at bilang miyembro ng PNP ay dapat na i observe ni Espenido ang maingat na pagsasalita at ilahad ang saloobin sa tamang lugar o kung ayaw papigil ni Espenido ay umalis na ito sa PNP.

Sa kabila nang pagkakasama ni Espenido sa Drug list naniniwala si Dela Rosa na walang kinalaman sa transaksyon ng iligal na droga si Espenido.

Giit ni Dela Rosa matinong pulis si Espenido at maaring mga Ninja Cops ang sumisira dito.

Facebook Comments