Lt. Gen. Clement, pinili bilang bagong AFP chief

469

Pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Central command chief, Lieutenant General Noel Clement bilang susunod na hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nabatid na nakatakdang magretiro si AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. sa September 28.


Ayon kay Defence Secretary Delfin Lorenzana – hinihintay nila ang official paper mula sa Malacañan.

Si Clement, ay miyembro ng Philippine Military Academy Sandiwa Class of 1985.

Nagsilbi siya bilang hepe ng Philippine Army 10th Infantry “Agila” Division bago pamunuan ang central command.

Gaganapin naman ang change of command ng AFP sa Martes, September 25.

Facebook Comments

From Advertisers