Lt. Gen. Eleazar, itinalagang bagong hepe ng PNP

66

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Papalitan ni Eleazar sa pinakamataas na puwesto sa pulisya si Police General Debold Sinas na nakatakdang magretiro sa Mayo 8.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinapakita ng track record ni Eleazar ang kaniyang pagiging professional, dedikasyon at integridad.

Aniya, kumpiyansa ang Palasyo na ipagpapatuloy ni Eleazar ang mga repormang nasimulan ng mga dating opisyal ng PNP.

Magsisilbing PNP Chief si Eleazar sa Mayo 8 hanggang sa Nobyembre o sa kanyang mandatory age of retirement.

Facebook Comments