Lt. Gen. Sobejana, good choice bilang AFP Chief of Staff

88

Suportado ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Para kay dela Rosa, good choice si Sobejana para sa nabanggit na posisyon.


Binanggit ni dela Rosa na si Sobejana ay Medal of Valor awardee at wala itong takot sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng estado.

Dagdag pa ni dela Rosa, marami ng sinuong na laban si Sobejana at minsan ng malubhang nasugatan.

Sa tingin ni dela Rosa ay hindi mahihirapang makalusot sa Commission on Appointments si Sobejana.

Facebook Comments