LTFRB, hindi palalagpasin ang dalawang araw na tigil pasada ng grupong PISTON

Manila, Philippines – Nagbanta si LTFRB board member Aileen Lizada na bubuweltahan ang grupo ni George San mateo ng PISTON.

Ayon kay Lizada, maliban sa tatanggalan nila ng prangkisa, sasampahan din nila ng kasong paglabag sa Public Servie Act, si SanMateo at ang mga tsuperna nakilahok sa dalawang araw na tigil pasada.

Malalaman aniya kung ilan ang maaring kasuhan kapag natapos na ang transport strike.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng LTFRB sa mga nakilahok sa tigil pasada.

Facebook Comments