Tuesday, May 12, 2026

LTFRB, inanunsyo ang tatlong buwang extension ng validity ng mga lisensya at rehistro na mag-e-expire na

Inanunsyo ng Land Transportation Office o LTO ang tatlong buwan pagpapalawig ng “validity” o bisa ng mga lisensya at rehistro na mag-eexpire na.

Ito ay para makaagapay ang mga may ari ng sasakyan sa gitna ng oil price shock at mataas na presyo ng mga bilihin.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na ang pasya ay alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency.

Sakop ng pagpapalawig ng bisa ang mga dokumento na mapapaso simula ngayong April 2026 para sa period na tatlong buwan.

Ayon sa LTO, saklaw ng direktiba ang:

• Driver’s and Conductor’s Licenses
• Student-Driver’s Permits
• Motor Vehicle Registration

Sa extended period, walang surcharges, penalties o multa na ipapataw sa mga late renewal.

Facebook Comments