LTFRB, isinasapinal ang guidelines para sa UV Express

Isinasapinal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang guidelines para sa pagbabalik operasyon ng UV Express sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, kasalukuyang binubuo ng LTFRB ang mga panuntunan para sa muling pagbiyahe ng mga UV Express.

Ang desisyon naman kung papayagang pumasada ang mga tradisyunal na jeep ay nakadepende kung ang kasalukuyang transportasyon ay sapat para sa volume ng mga pasahero.


Iginiit din ng DOTr na kailangang sumunod ang mga traditional jeepneys sa road worthiness standards, maging sa health, safety, sanitation at security protocols.

Facebook Comments