LTFRB, magbubukas ng karagdagang 30 PUJ routes at 22 UV Express routes sa Metro Manila

34

Magbubukas ng karagdagang 30 ruta ng Public Utility Jeepney (PUJ) at 22 ruta ng UV Express ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Linggo, Oktubre 25, 2020.

Base sa Memorandum Circular (MC) 2020-062 at MC 2020-063, kabilang sa dagdag ng Public Utility Vehicles (PUVs) na maaari nang bumiyahe:


• MC 2020-062: 22 UVE routes; 1,064 units
• MC 2020-063: 30 TPUJ routes; 1,704 units

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dagdagan ang bibiyaheng public transportation upang tulungang makabangon muli ang ekonomiya.

Facebook Comments