LTFRB, maglalabas ng guidelines kaugnay ng pagbabalik operasyon ng motorcycle taxi

52

Maglalabas ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maglatag ng guidelines sa operasyon ng motorcycle taxi.

Kasunod naman ito ng desisyon ng Kamara na i-extend ang pilot program ng motorcycle taxi.


Ayon sa LTFRB, muling magko-convene ang Technical Working Group ng MC Taxi Pilot Study sa sandaling matanggap na ang minimum health standards/guidelines mula sa National Task Force.

Bagama’t mayroon nang guidelines ukol dito, kinakailangang isaalang-alang ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero partikular sa pag-iwas sa hawaan ng COVID-19 virus.

Facebook Comments