LTFRB muling nagbabala sa mga abusado at bastos na taxi driver

58

Manila, Philippines – Hinimok ng LTFRB ang publiko na isumbong ang mga abusado at isnaberong taxi driver.

Kung maaalala noon pa nilalabanan ng LTFRB ang mga pasaway na driver na namimili ng pasahero.


Bago mag-Pasko muling inilunsad ang ‘oplan isnabero’ kasabay ng pagdagsa ng pasahero dahil sa holiday season.

Ngayong pauwi naman ang mga pasahero at yung ilan humahabol sa bakasyon, pinaalala ng LTFRB na may mga desk assistance na nakakalat sa mga bus terminal at mall na maaari nilang pagsumbungan.

Bukod sa isnabero kadalasang problema sa taxi driver ang pangunguntrata, madaya ang metro, hindi nagbibigay ng tamang sukli at arogante o bastos ang pagtrato sa mga sakay.

Kung makaranas ng ganito, bukas ang textline ng LTFRB na 09175501342 at 09985501342.

Facebook Comments

From Advertisers