LTFRB, nag deploy ng mga bus para isakay ang mga naiipit sa mahabang pila sa MRT

62

Manila, Philippines – Nag deploy na ng mga bus na may special permit ang LTFRB para umalalay sa mga pasaherong naiipit sa mahabang pila sa mga istasyon ng MRT.

Ito ay kasunod ng pag bagal ng takbo ng kanilang tren at pag babawas sa mga bumabyaheng bagon.


Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, 80 pribado at pampublikong bus ang nabigyan na ng special permit para isakay yung mga pasahero ng MRT lalo na sa mga matataong istasyon tulad ng North Avenue MRT station, Quezon Ave, Kamuning at Cubao.

Sinabi ni Lizada na tulad ng minimum fare ng MRT 13 pesos hanggang 28 pesos din ang pamasaheng babayaran.

DZXL558

Facebook Comments