LTFRB, nag-deploy ng mga bus para makatulong sa paglikas ng mga residente sa Marawi

Marawi City, Philippines – 6 na bus ang dineploy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Marawi City at kalapit na lugar para makatulong sa pag likas ng mga residente.

Maselan at pahirapan ang situation sa nabanggit na lugar kung saan tukod amg trapik at wala ng masakyan ang mga pamilya nais lumikas dahil sa takot na maipit sa posibleng bakbakan sa pagitan ng teroristang grupong maute at tropa ng gobyerno.

Ayon sa tagapagsalita at board member ng LTFRB na si Atty. Aileen Lizada, alas 3 ng hapon ng ng dineploy ang 6 na bus kung saan coordinated ito sa CDRRMO ng Iligan.


Lilipad naman patungong Marawi City si Atty. Lizada para i-assess ang situation ng ating mga kababayan doon.
DZXL558

Facebook Comments