LTFRB, nagbukas ng 106 na karagdagang ruta sa Metro Manila at Rizal para sa programang libreng sakay

80

Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 106 pang karagdagang ruta para sa libreng sakay sa Metro Manila at Rizal.

Ayon sa LTFRB, may mga binuksan na ring ruta para sa public utility vehicles (puv) sa Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon City, Taguig, Pasay, Pasig at Cainta, Rizal.

Sakop din ng libreng sakay ang mga ruta ng puv mula North Luzon Express Terminal at Parañaque Integrated Terminal Exchange patungo sa mga nabanggit na lugar.


Ayon sa LTFRB, asahan pang madadagdagan ang mga ito sa mga susunod na araw.

Una nang inilunsad ang libreng sakay sa Edsa Bus Carousel at ilang lugar sa kamaynilaan.

Samantala, mula Abril 11, nasa mahigit 49 milyong pasahero na ang nakinabang sa libreng sakay ng pamahalaan.



Facebook Comments