LTFRB, naglabas ng temporary permit sa mga bus operator na maghahatid sa mga OFW

44

Naglabas ng temporary permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operator na naatasang maghatid sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga lalawigan.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, nagtayo ng on-site mobile processing center sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang LTFRB para sa mabilis na pagproseso ng special permit.


Aniya, tinatayang 200 bus units mula sa iba’t-ibang operators ang mabibigyan ng special permits.

Giit naman ni De Leon, libre at walang bayad ang inilabas na special permit fees sa mga bus operator.

Facebook Comments