LTFRB, PINAYAGAN NA ANG "STANDING PASSENGERS" SA ILANG PAMPUBLIKONG SASAKYAN

28
Pinayagan na ng Land Transportation franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang mga standing passengers sa loob ng ilang pampublikong sasakyan na bumabiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Base sa Memorandum Circular No. 2022-070, tanging sa mga Public Utility Bus (PUB) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) Class 2 ang papayagan na magkaroon ng pasaherong nakatayo alinsunod sa mga naturang kundisyon: Class 2 na mga Public Utility Bus PUB) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) base na rin sa Memorandum Circular No. 2022-070.

Kaugnay nito, kinakailangan lamang sundin ng mga operator ang ilang kondisyon gaya ng mga sumusunod: 1) Low-Entry/Low Floor PUB – nasa 15 ang maximum na standing passenger at one-person apart ang pagitan 2) Coach-type PUB – nasa sampu (10) ang maximum na standing passenger at one-person apart ang pagitan 3) MPUJ Class 2 – nasa lima (5) ang maximum na standing passenger at one-person apart ang pagitan.

Alinsunod din ito sa utos ng Department of Transportation (DOTr) upang magamit nang husto ang mga espasyo sa mga pampublikong sasakyan.

Samantala, istrikto pa rin na ipapatupad ang minimum public health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pinaalalahanan din ang mga drayber at operator na sumunod sa mga polisiya at alituntunin ng nasabing ahensya.



Ang sinumang mahuling lumabag ay papatawan ng karampatang parusa alinsunod sa mga kondisyon ng Certificate of Public Convenience (CPC) at Joint Administrative Order 2014-01.

Facebook Comments