LTFRB REGION 1 HUMINGI NG PANG-UNAWA MULA SA TRANSPORT SECTOR

52

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Humiling ng pang-unawa ngayon ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – Region 1 (LTFRB-R1) sa transport sector sa buong rehiyon dahil sa ibinabang regulasiyon ng mga ito sa mga maaaring pumasada. Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay LTFRB Region 1 Director Nasrudin Talipasan, sinabi nito na pinal na ang listahan ng mga nakapost sa kanilang social media page.

Iilan lamang ang pinayagang na public transportation vehicles na maaaring pumasada sa mga darating na araw sa 4 na probinsiya. Ani ni Talipasan ang regulasiyong ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng lahat ng concern agencies bilang kooperasyon sa patuloy na pag-laban ng pamahalaan sa COVID-19. Umaasa ang LTFRB-R1 na makikita ng transport sector ang adhikain ng nasabing regulasiyon at sila ay tatalima dito para sa ikabubuti ng mas nakakarami. Samantala, haharap sa kaukulang kaso at penalties ang mga hindi tatalima sa nasabing kautusan.


Facebook Comments