LTFRB REGION 1 WALA PA UMANONG NATATANGGAP NA PETITION LETTER UKOL SA TAAS PASAHE

30
Wala pa umanong natatanggap ang LTFRB Region 1 na petition letter na mula sa mga operators ng jeep sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa kanilang hiling na taas pasahe.
Ayon kay Engr. Karen Casaña ang Planning Officer ng LTFRB Region 1, kailangan umanong mag-sumite ng petition letter ukol sa kanilang hiling na taas pasahe.
Dagdag pa nito, sa oras na makapagsumite na nito ay dadaan muna ito sa proseso kung kaya’t hinikayat nito ang mga operator na magpasa na kanilang tanggapan upang maumpisahan ng pag-aralan.

Samantala, wala paring naitatalang taas pasahe sa lalawigan ng pangasinan sa kabila ng pagtaas ng presyong petrolyo. | ifmnews
Facebook Comments