LTFRB, tiniyak na makabibiyahe pa rin ang mga rider ng Move It habang nakabinbin ang motion for reconsideration

Pinawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pangamba ng mga Move It rider na mawawalan ng hanapbuhay.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Ariel Inton, alinsunod ito sa direktiba ni Transportation Sec. Vince Dizon habang pinag-aaralan pa ang motion for reconsideration ng Move It.

Kanina, nagprotesta ang mga Motorcycle Taxi rider sa tanggapan ng LTFRB para ipanawagan ang pagbaligtad sa desisyong magreresulta sa pagkawala ng hanapbuhay ng 14,000 rider.

Ayon sa chairperson ng Motorcycle Taxi Community Alliance na si Romeo Maglungsod, hangga’t walang pinal na desisyon ang LTFRB, hindi nakatitiyak ang mga motorcycle taxi rider sa kanilang kabuhayan.

Facebook Comments