LTO, inisyuhan ng show cause order ang 8 truck driver na nagpositibo sa shabu

37

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang walong driver ng trucking company matapos magpositibo sa shabu.

Resulta ito ng anti-overloading operation ng LTO.


Mula sa 325 na truckers na sinita ng Joint Anti-Truck Overloading Mobile Enforcement, walo ang nagpositibo sa shabu.

Inisyuhan din ng show cause order ang mga operators ng mga ito upang pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat tanggalan ng franchise registration dahil hindi sinala nang husto ang kinukuhang driver.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga nagpositibo at inihahanda na ang inquest case laban sa mga ito.

Facebook Comments