LTO, muling pinalawig ang motor vehicle registration

111

Muling pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng registration ng mga sasakyan para maiwasan ang pagdagsa ng mga aplikante sa kanilang mga tanggapan sa gitna ng COVID-19.

Sa bagong abiso ng LTO, ang registration validity ng motor vehicles na may lisensyadong plakang nagtatapos sa 6, 7, 8 ay extended hanggang October 30.

Binibigyan naman hanggang December 31 para i-renew ng mga motorista ang registration ng kanilang sasakyang may plakang nagtatapos sa 9 at 0.

Muling binigyang diin ng LTO na walang penalty at surcharge na ikokolekta para sa renewal transactions sa loob ng revised schedule.

Una nang nagpaalala ang LTO sa publiko na huwag hintayin ang huling araw ng extension ng renewal ng motor vehicle registration.

Facebook Comments