
Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang puting Nissan Patrol na sangkot sa isang aksidente sa Makati City.
Nag-viral sa social media ang ginawang mapanganib na pagmamaneho ng Nissan Patrol sa Mercedes Avenue, Pasig City bago nito sinalpok ang isang motorsiklo.
Tumilapon ang motor rider na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.
Kabilang sa mga iniulat na paglabag ng driver ay ang mabilis na pagpapatakbo, biglaang paglipat ng lane nang walang signal, ilegal na pag-overtake, at posibleng paglabag sa number coding scheme.
Dahil dito, pinapaharap ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng Nissan Patrol nasa Intelligence and Investigation Division (IID) sa Mayo 28 upang magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat maparusahan.
Agad ding ipinag-utos ng LTO ang pagsuko ng lisensya ng drayber, na sasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon habang inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan.










