LTO official na nakuhanan ng picture na natutulog, nagpaliwanag

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na nag-viral matapos malitratuhang natutulog sa kanyang opisina.

Sa kumalat na litrato sa Facebook, makikita si LTO Job Officer Rolando Abelardo na natutulog habang nakataas pa ang paa sa mesa.

Depensa si Abelardo – hindi naman office hours nang makunan siyang natutulog.


Aniya, kakabalik lamang nila galing sa field.

Sa kabila nito, walang balak na ireklamo ng opisyal ang kumuha ng litrato.

Facebook Comments