LTO, pinalawig muli ang validity ng vehicle registration

95

Muling pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang registration validity ng mga sasakyan.

Layunin nitong maiwasan ang overcrowding sa mga opisina sa harap ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine.


Sa abiso ng LTO, pinalawig nila ang registration validity ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 hanggang June 30 at July 31, 2021.

Magtatagal naman hanggang August 31, 2021 ang validity ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 5.

Nagtakda rin ang LTO ng weekly schedule kung kailan maaari magtungo ang mga vehicle owners sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments