Inirekomenda ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang pagbawi sa Lisensya ng bus driver na nagviral matapos ang insidente ng overspending sa La Union.
Sa naging pagdinig ng LTO Region 1 kasama ang LTFRB Region 1, pinag-aralan ang kasong reckless driving laban sa drayber at tinukoy kung dapat pa siyang payagang magmaneho.
Matapos ang deliberasyon, inirekomenda ng LTO ang revocation o tuluyang pagbawi ng lisensya ng drayber sa ilalim ng Section 27 ng Republic Act 4136.
Kasabay nito, pinatawan din ng 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng konduktor ng bus, dahil sa kanyang kakulangan ng aksiyon habang nagaganap ang insidente.
Matatandaan na nag viral ang video ng isang ginang na sakay ng naturang bus na nagmamakaawang ihinto ang sasakyan dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng driver. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨