Nakibahagi ang Land Transportation Office Region I sa pagdiriwang ng Purple Wednesday bilang bahagi ng National Women’s Month 2026.
Sa inilabas na pahayag ng ahensya, nagsuot ng kulay lila ang mga kawani bilang pakikiisa sa adbokasiya ng women empowerment at gender equality.
Kasabay nito, nagpatupad ang tanggapan ng ilang hakbang para sa mas maayos na serbisyo sa kababaihan, kabilang ang paglalaan ng priority seats para sa mga babaeng kliyente, pamimigay ng bulaklak at munting token, at pagkakaroon ng priority lane para sa senior women upang mapabilis ang kanilang transaksyon.
Ayon sa LTO Region 1, layunin ng mga aktibidad na maisulong ang mas inklusibo at gender-responsive na serbisyo publiko.
Ang Purple Wednesday ay bahagi ng taunang paggunita sa National Women’s Month tuwing Marso, na naglalayong kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan at sa serbisyo publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










