
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng driver na sangkot sa road crash na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat naman ng ilan sa Tacloban City nitong June 10.
Ayon kay LTO Region 8 Regional Director Ledwino Macariola, inisyuhan na rin ang naturang driver ng show cause order kung saan pinagpapaliwanag ito kung bakit hindi dapat bawiin ang kaniyang lisensya matapos ang naturang insidente.
Matatandaan na nag-viral kamakailan ang video kung saan makikita ang isang van na tumama sa isang poste sa center island sa Airport Road sa Barangay San Jose, Tacloban City.
Binigyan lamang ng LTO ng sampung araw ang driver para magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin ng tatlong buwan.
Facebook Comments