
Cauayan City – Aarangkada sa Lungsod ng Cauayan ang License To Own and Possess Firearm Caravan sa darating na ika-anim ng Pebrero.
Sa inilabas na anunsyo, magaganap ang LTOPF at Firearms Registration sa sa SM City Cauayan kaya naman inaanyayahan ang lahat ng mga gun holders na makiisa rito.
Para sa mga bagong magpaparehistro, kinakailangan ng Neuro-Psychiatric Exam, Drug Test, Notarized LTOPF Application form, Notarized Affidavit of undertaking, 1 government ID, Certificate for Gun Safety and Responsible Gun Ownership o Duty Retirement Order para sa Law Enforcement Agencies, Proof of income, National Police Clearance, PSA Birth certificate o Passport, Barangay Clearance, at picture.
Para sa Renewal of LTOPF, kinakailangan naman ng Notarized LTOPF application form, Drug Test, Notarized LTOPF Application Form, National Police Clearance, at Notarized Affidavit of undertaking.
Bukas rin sa aktibidad ang pagpaparehistro para sa mga bagong biling firearms, transfer of firearms, habang maaari ring dumalo ang Active PNP/AFP Personnel para sa pagpapalisensya at renewal.
Hinihikayat ang lahat ng gun holders at gun enthusiast na makiisa at maging responsable sa paghahawak ng armas.