Lubang, Occidental Mindoro, aapelang manatili sa GCQ

39

Iaapela ng lokal na pamahalaan ng Lubang, Occidental Mindoro na manatili pa rin sila sa General Community Quarantine (GCQ) simula sa June 1, 2020.

Ayon sa Lubang Local Government Unit (LGU), hindi pa sapat ang kanilang medical facilities sakaling may magpositibo muli sa kanilang lugar kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga residente nilang na-stranded sa Metro Manila.


Kulang din ang kanilang mga health center, ospital at medical professionals.

Nabatid na ang Occidental Mindoro kasama ang iba pang lalawigan sa Region 4-B ay isasailalim na sa Modified GCQ simula sa Lunes base sa inaprubahang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments